Thursday, April 26, 2012

LuckyMe Pancit Canton with Xmen cards

1993 nung una kong natikman yung LuckyMe! Pancit Canton. Yun ata yung original packaging nun. Yellow pillow hanggang ngayon ata ganun pa rin. Except nung time na yun, merong free xmen cards for every pillow ng Pancit Canton.

I remembered we used to buy an entire pack ng pancit canton. Nakasabit yun sa bintana namin ready kainin.

Halos lahat ng bagay ata umikot sa pancit canton na yun. Minsan nga kakain ako kanin at pancit canton lang.

 Yung pancit canton na yan, til now kinakain ko pa rin. Marami na ngang variations yan e. Pero panalo sa akin parati yung pandesal dun sa kanto paakyat ng Engr's Hill at isang nilagang itlog.


Pero ngayon masarap na rin yung calamansi at chili mansi, tapos fried egg.

Tuesday, April 24, 2012

Goldilocks Cake

Dati rati, kapag sumasakay ako sa Victory pauwi sa amin galing Manila, dun sa me Caloocan terminal, marami me bitbit na Goldilocks cake pasalubong. Lalo na sa amin sa Olongapo walang Goldilocks.

Minsan ube, madalas chocoloate at mocha roll. Makikita mo marami me bitbit, puro roll.

















Ngayon iba na.

Cheese Curls with free toy

Di ko kayang palagpasin, eto kagad ang unang unang pumasok sa kokote ko - yung cheese curls na nasa maliit na pakete, tapos merong free toy sa loob. Tulad ng He-Man na goma; sundalo; mga animals; kahit ano na goma.

Naaalala ko nga dati mas masarap pang nguyain yung goma kesa sa cheese curls e. Pero naman masarap din yung cheese curls. Dun sa tindahan ni Ate Perry, sa ibaba namin, 0.25 centavos ata yun nung 1984.

Tapos bili ka ng sopdrinks. Well nung time na yun wala din lang akong pambili ng sopdrinks. Pang icecandy lang ako e. Shyet - Ice Candy. Sige sige sa susunod na post.

Nung time na usong uso yung He-Man and yung pagsigaw ng "by the power of Greystoooooooooooooone" dun biglang lumabas yung mga He-Man na yan sa cheese curls. Paiba iba pa nga ng kulay yun e, like minsan dilaw or green or red. The best nun yung yellow, kase makikita mo yung details ng mga muscles ni He-Man.

Marami pang ibang mga free na toy e. That time nakaipon ako ng isang malaking box. Kase ginagamit din yung mga toys na yun sa tatsing. Me dala dala kaming mga supot, yung mga patapon na laurang nakukuha sa cheese curls at yun ang pusta namin. Umuuwi ako noon marami dala dala kong supot, He-Man din lang yung pamato ko.

Wala na talaga nun ngayon. Siguro naging masama sa kalusugan. Wala din picture sa internet e.

now na!

Today is the day para balikan ko yung mga parati kong naaalala at namimiss. Mga bagay na nakalakihan ko noong ako ay bata pa. Mga bagay na kinamulatan ko tulad ng mga kagawian, pananamit, pagkain, mga palabas sa telebisyon at kung ano ano pa.

Yan ang plano kong gawin simula sa araw na to.

Sobrang dami ng mga pumapasok sa utak ko; di ko man kayang isa isahin pero eto ang ilan.

Mga pagkain tulad ng ube na balot na balot sa asukal, nakalagay sa garapon at 3 bentesinko; kakapanuod namin ng GMA super show kada linggo; ang magasin na Kislap; ang spray net at gel; bmx; sipa sa umaga, recess at uwian; lucky-9 at marami pang iba.

Yan ay iisa isahin kong alalahanin at ishare sa inyo.

Kakalap din tayo ng mga pictures galing sa internet.

Pero etong blog na ito ay base sa pagkakaintindi ko, sa paglaki ko at sa kinamulatan ko. Kung sakaling merong mali na impormasyon, e paki korek na lang ako.

Salamat ng marami Kabayan!