Di ko kayang palagpasin, eto kagad ang unang unang pumasok sa kokote ko - yung cheese curls na nasa maliit na pakete, tapos merong free toy sa loob. Tulad ng He-Man na goma; sundalo; mga animals; kahit ano na goma.
Naaalala ko nga dati mas masarap pang nguyain yung goma kesa sa cheese curls e. Pero naman masarap din yung cheese curls. Dun sa tindahan ni Ate Perry, sa ibaba namin, 0.25 centavos ata yun nung 1984.
Tapos bili ka ng sopdrinks. Well nung time na yun wala din lang akong pambili ng sopdrinks. Pang icecandy lang ako e. Shyet - Ice Candy. Sige sige sa susunod na post.
Nung time na usong uso yung He-Man and yung pagsigaw ng "by the power of Greystoooooooooooooone" dun biglang lumabas yung mga He-Man na yan sa cheese curls. Paiba iba pa nga ng kulay yun e, like minsan dilaw or green or red. The best nun yung yellow, kase makikita mo yung details ng mga muscles ni He-Man.
Marami pang ibang mga free na toy e. That time nakaipon ako ng isang malaking box. Kase ginagamit din yung mga toys na yun sa tatsing. Me dala dala kaming mga supot, yung mga patapon na laurang nakukuha sa cheese curls at yun ang pusta namin. Umuuwi ako noon marami dala dala kong supot, He-Man din lang yung pamato ko.
Wala na talaga nun ngayon. Siguro naging masama sa kalusugan. Wala din picture sa internet e.

toooommmmmmmmmaaaaaaaahhhhhhhh! ahahah.. super relate kme ng mga ktrabaho q!=p
ReplyDelete