Tuesday, April 24, 2012

now na!

Today is the day para balikan ko yung mga parati kong naaalala at namimiss. Mga bagay na nakalakihan ko noong ako ay bata pa. Mga bagay na kinamulatan ko tulad ng mga kagawian, pananamit, pagkain, mga palabas sa telebisyon at kung ano ano pa.

Yan ang plano kong gawin simula sa araw na to.

Sobrang dami ng mga pumapasok sa utak ko; di ko man kayang isa isahin pero eto ang ilan.

Mga pagkain tulad ng ube na balot na balot sa asukal, nakalagay sa garapon at 3 bentesinko; kakapanuod namin ng GMA super show kada linggo; ang magasin na Kislap; ang spray net at gel; bmx; sipa sa umaga, recess at uwian; lucky-9 at marami pang iba.

Yan ay iisa isahin kong alalahanin at ishare sa inyo.

Kakalap din tayo ng mga pictures galing sa internet.

Pero etong blog na ito ay base sa pagkakaintindi ko, sa paglaki ko at sa kinamulatan ko. Kung sakaling merong mali na impormasyon, e paki korek na lang ako.

Salamat ng marami Kabayan!

No comments:

Post a Comment